I wrote this poem a year ago during the "babang luksa" for my son, Isagani, Jr. It was my crude attempt to rationalize a bitter loss which at that time is extremely hard for me to accept. It is taking consolation from the thought that my son now communes with the Lord and has become one with His creation. Thus, there is no need to miss him or to look for him because like the Lord, he has become omnipresent.
I have slightly modified the poem for Ailyn. And like me, when I lost my beloved son, may her friends and love ones learn to let go and surrender her to the loving arms of the Lord...
Ako Lahat Sila
Huwag niyo ng tangisan ang aking puntod
Wala ako diyan, di ako natutulog!
Bulong niyong dasal, bulaklak niyong dulot
Salamat… salamat, pawiin niyo ang lungkot!
Huwag niyo akong hanapin, di ako nawawala
Sa maranyang memorial park di niyo ‘ko makikita
Ako’y ang hanging amihang haplos niyo sa umaga
Ako’y ang pagaspas ng mga ibong kumakanta!
Pagmasdan niyo ang bughaw, ningning ng ulap,
Ang luntiang parang, hamog na kumikislap.
Sila ay Ako at ako ay sila, di niyo ba nakikita?
Nandito lang ako, huwag kayong lumuha pa!
Ako’y ang sanlibo’t sanlaksang mga bituin
Ang liwanag ng buwan sa gabing matulain
Mga himig at kanta, tugtuging indakin
Ako lahat sila, lagi niyo sanang iisipin.
Nandito lang ako, alaala ko’y lagi ng kapiling!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment